Untitled Document
Untitled Document

Message from Office of the Vice Mayor

Magandang umaga, QC!

Eto po ang listahan ng mga contact numbers ng 142 barangays ng Quezon City. Hinihikayat po namin ang lahat na makipagcoordinate sa ating mga barangay para sa schedule ng pagbibigay ng relief goods at sa tulong medikal para maiwasan ang kaguluhan.

Pinapakiusap lang po ng aming opisina na maging mahinahon at mapagpasensya sa pagtawag at pagtext, lalo na sa mga personal cellphone numbers. Alalahanin po ang ating mga barangay officials, kasama ang mga volunteers, ay ilang araw ng pagod at kulang sa tulog dahil sa kinakaharap nating krisis.

Stay strong, QC!


Executive Order No. 24, Series of 2020

Alinsunod sa Executive Order No. 24, Series of 2020 ng ating mahal na mayor, bawal nang magbenta, bumili at uminom sa pampublikong lugar ng alak habang pinapatupad ang enhanced community quarantine period.

Inuulit po namin na manatili lamang sa bahay at ipraktis ang social distancing. Tulungan natin ang ating healthworkers at frontliners na sugpuin ang covid 19 virus.


Health Advisory COVID-19

Pinapaalala po natin sa lahat na ang covid-19 ay madaling kumalat sa pamamagitan ng droplets na nasa hangin at sa paghawak sa mga contaminated surface.

Ang pinakamaganda nating gawin para masugpo ang virus na ito ay MANATILI SA ATING MGA BAHAY. Ito ay hindi lang para sa inyo, kundi para din sa ating mga magulang, anak, asawa, kaibigan, mga mahal sa buhay (lalo na sa mga maysakit), pati na din sa mga healthworkers at frontliners na patuloy na nagtatrabaho at lumalaban para sa ating lahat.

STAY AT HOME. Palakasin ang resistensya. Ipagdasal ang kalusugan ng ating mga frontliners at healthworkers.

Stay strong, QC!


COVID - 19 SOCIAL DISTANCE MEASURES

In line with Resolution No. 10, Series of 2020 issued on 09 Macrch 2020 by the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease, please be advised of the following social distancing measures:

Click here full document


COVID - 19 ADVISORY

By reason of the recent Coronavirus disease (COVID-19) outbreak, everyone is encouraged to observe the following precautionary measure to prevent its spread in the workplace:

Click here full document


Message from the Office of the Vice Mayor

QCitizens, huwag mag-panic at sundin lamang ang payo ng mga eksperto para manatiling ligtas sa #COVID19.


Click for Complete List of Office Schedule



Untitled Document
 
 
 
 
 

Untitled Document
HOME    *    VICE MAYOR    *    DISTRICT 1    *    DISTRICT 2    *    DISTRICT 3    *    DISTRICT 4    *    DISTRICT 5    *    DISTRICT 6    *    EX-OFFICIO    *    CITY SECRETARY    *    CONTACT US
© Copyright 2011-2012. Quezon City Council - Sangguniang Panlungsod Lungsod Quezon. All rights reserved.