Untitled Document




 

Tandang Sora Day

Tayo'y taos pusong nakiisa sa ika-213 na anibersaryo ng kapanganakan ng Ina ng Katipunan na si Melchora "Tandang Sora" Aquino.

Dito'y sinamahan natin si Mayor Joy Belmonte at ang ating District 6 Rep. Marivic Co-Pilar, mga konsehal at ang bumubuo ng Brgy. Tandang Sora council.

Kasama rin nating dumalo sina City Administrator Michael Victor Alimurung, QMC Senior Curator Janice Tambo, at mga kamag-anak at apo ni Tandang Sora sa seremonya.

Binigyang pagkilala naman si Dr. Carolyn I. Sobritchea bilang 2025 Gawad Tandang Sora Awardee para sa kanyang mga inihandog at ini-ambag sa pagsulong ng kapakanan ng ating mga kababaihan dito sa ating lungsod.

Layon ng Gawad Tandang Sora Award na kumilala sa mga natatanging kababaihan na nagpamalas ng katapangan, malasakit, at pagmamahal sa bayan.

Mabuhay ang Tandang Sora!

Vice Mayor Gian Sotto


Back
 
 
Untitled Document
HOME    *    VICE MAYOR    *    DISTRICT 1    *    DISTRICT 2    *    DISTRICT 3    *    DISTRICT 4    *    DISTRICT 5    *    DISTRICT 6    *    EX-OFFICIO    *    CITY SECRETARY    *    CONTACT US
© Copyright 2011-2012. Quezon City Council - Sangguniang Panlungsod Lungsod Quezon. All rights reserved.