Untitled Document




 

2024 Quezon City Children Summit

Ang QC ay Child-Friendly City!

Tayo'y nakiisa sa annual Children's Summit ng ating Quezon City Council for the Protection of Children (QCCPC) bilang bahagi sa selebrasyon ng ating National Children's Month sa Quezon City Science High School.

Halos daan-daang QCitizens ang nakiisa at nakilahok para magbahagi ng kanilang mga opinion tungkol sa mga isyu at layunin sa sector ng ating kabataan dito sa Lungsod.

Ang summit na ito ay naglalayong magbigay kaalaman sa ating mga kabataan dito sa QC ukol sa paglaban at pagkalat ng Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (CSAEM) at mabigyang wakas ang Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC) sa QC.

Sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte, hinikayat ng ating alkalde mismo ang pagtangkilik ng QC Helpline 122 at magtulungan mabantayan at mabigyang safety ang ating mga kabataan tungkol sa kanilang mga hinaing at concerns.

Kabilang sa mga dumalo sa conference sina Social Services Development Department head Carolina Patalinghog, ECPAT PH Executive Director Ana Dionela, Globe Telecom Senior Director Carlo Santos, PLDT and Smart Chief Sustainability Officer Melissa De Dios, PH Children's Ministries Network Program Manager Christina Jurado, Alfred Dicto ng UNICEF PH, Ginno Coral ng ECPAT PH, at Online Influencer Lyqa Maravilla.

Let us continue to make our city a safe space for our youth!

Vice Mayor Gian Sotto


Back
 
 
Untitled Document
HOME    *    VICE MAYOR    *    DISTRICT 1    *    DISTRICT 2    *    DISTRICT 3    *    DISTRICT 4    *    DISTRICT 5    *    DISTRICT 6    *    EX-OFFICIO    *    CITY SECRETARY    *    CONTACT US
© Copyright 2011-2012. Quezon City Council - Sangguniang Panlungsod Lungsod Quezon. All rights reserved.