QC Market Vendors
Edukasyong pang-negosyo para sa ating mga QC Market Vendors!
Inilunsad ng Quezon City Government katuwang ang Consultative Group for International Agricultural Research (CGIAR) Resilient Cities Project ang Vendor Business School (VBS) nitong nakaraan (February 9, 2024).
Isa lamang ang QC sa iilan sa buong mundo na nagpapatupad ng VBS, kasama ang Kenya at Nairobi. Mahigit kumulang 140 na market vendors ang napabilang sa inisyatibong ito sa VBS. Ito'y naglalayong mabigyang lakas at mapahusay ang kakayahan ng ating mga vendors sa pagnenegosyo, food safety, market technology, climate change, atbp.
Umaabot sa anim na buwan ang training workshops, coaching, at mentoring sessions ng mga vendors. Kaugnay rito ay sila'y magiging kwalipikado rin sa Pangkabuhayang QC Program na naghahandog ng business capital para sa kanilang negosyo.
Pinangunahan naman nina Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto ang naganap na launching nito. Maraming salamat Mayor Joy Belmonte at sa ating Quezon City Government for this most wonderful initiative! Sama-sama tayo sa patuloy na pag-unlad ng bawat isa!
Vice Mayor Gian Sotto
|