NCR GAD SUMMIT 2023
LUTASIN ANG DI PAGKAKAPANTAY-PANTAY
Isa iyan sa mahahalagang papel ng Gender Development Council.
Sa Lungsod Quezon, naganap ang NCR Gender and Development Summit na inorganisa ng GAD Council at UN Women na dinaluhan nina QC Mayor Joy Belmonte, Majority Floor Leader Doray Delarmente, at iba pang opisyal ng Lungsod at kilalang mga personalidad na kampyeon sa paglaban ng karapatan ng kababaihan.
Si Councilor Doray Delarmente ay isa sa mga naging panelists sa usaping Resolving Emerging Challenges through Gender-empowered Solutions. Nakasama niya bilang panelists ang multi-awarded journalist at UN Goodwill Ambassador na si Karen Davila.
Nagbigay oras para sa Summit ang mga akalde ng NCR, mga konsehal, mga pinuno ng Departamento ng Lungsod, stakeholders, GAD advocates at professionals mula sa 17 LGUs ng Metro Manila.
Kasama sa naging pagtitipon ang pagsusubasta ng mga damit na i-dinonate nina Mayor Joy Belmonte, Councilor Doray Delarmente, Councilor Candy Medina, at Councilor Irene Belmonte. Ang pondo na malilikom mula rito ay ipagkakaloob sa Haven for Women.
Ang pagtitipon ay mahalaga upang maipakita ang pagsasama-samang paglutas sa problema ng inequality sa ating lipunan.
|