Integrated Drug Abuse Profiling System o IDAPS
Magandang araw QCitizens!
Nagpamigay ang Quezon City Anti Drug Abuse Advisory Council ng tig-isang computer sa 142 Barangays sa Quezon City para sa pagpapatupad ng mas pinalawig na Integrated Drug Abuse Profiling System o IDAPS.
Mahigit 100 na Kapitan, Kagawad at BADAC Focal ang dumalo sa awarding ceremony at orientation.
Layunin ng QCADAAC na mabigyan ng update ang mga kagamitan sa bawat barangay para sa pagpapalakas ng ating anti-drug campaign sa Lungsod.
Tinalakay ang mga hakbang at applications sa bagong IDAPS gamit sa tulong ng bagong computer at iba pang kagamitan tulad ng kamera at finger scanning kung saan mas mapapadali ang pag-access ng mga data at paggawa ng mga reports.
Salamat sa QCADAAC for your continuous support in making our communities a safer haven for every QCitizen!
Vice Mayor Gian Sotto
|