Untitled Document




 

BIDA ka DABARKADS! (Takbo Laban sa Droga)

BIDA ka DABARKADS! Takbo Laban sa Droga: Malusog na Pangangatawan at Matalas na Kaisipan!

Nanguna si Vice Mayor Gian Sotto sa mga sumali at tumakbo sa DAPC Fun Run ng Quezon City Anti Drug Abuse Advisory Council noong Linggo, Nobyembere 19, 2023.

Matagumpay na naisagawa ng Office of the Vice Mayor at QCADAAC ang programa sa tulong ng Quezon City Government, Department of Education (DepEd), Dangerous Drugs Board (DDB), Quezon City Police District (QCPD), Metro Manila Development Authority, Department of Interior and Local Government (DILG Philippines) at Department of Agriculture.

Mahigit isang libo ang dumalo at tumakbo para sa fun run na ito kabilang ang mga kabataang senior high school students mula sa iba't ibang paaralan sa ating lungsod.

Lumahok naman si Vice Mayor Gian Sotto sa 4km run kasama ang ating mga SHS na runners.

Sadyang nakakatuwa na makita ang daan-daang kabataan nating QCitizen na nakilahok at tumakbo para sa anti-illegal drugs advocacy ng ating lungsod. Sa adbokasiyang "Buhay ay Ingatan, Droga ay Ayawan" tayo ay nagkakaisa para sa importansya ng ating kalusugan at kapakanan laban sa illegal drugs.

It is surely a blessing from GOD na makita ang ating kabataan na siyang pag-asa ng ating kinabukasan na magkaisa at mag-participate sa event na ito. Maraming salamat po sa inyo! You have surely made this event possible with all your hardwork and dedication to run for a better future of our city!

"I have fought the good fight, I have finished the race, I have kept the faith." -2 Timothy 4:7

Vice Mayor Gian Sotto


Back
 
 
Untitled Document
HOME    *    VICE MAYOR    *    DISTRICT 1    *    DISTRICT 2    *    DISTRICT 3    *    DISTRICT 4    *    DISTRICT 5    *    DISTRICT 6    *    EX-OFFICIO    *    CITY SECRETARY    *    CONTACT US
© Copyright 2011-2012. Quezon City Council - Sangguniang Panlungsod Lungsod Quezon. All rights reserved.